--Ads--

Nagtaas ng halos P3.00 ang power rates ng Isabela Electric Cooperative (ISELCO) 1 ngayong buwan ng Abril.

Sa ngayon, ang power rate ng residential consumer ay umaabot na ng 10.9629 pesos per kWh, ang Low Voltage Consumer ay 10.0872 pesos per kWh at 8.1496 pesos per KWh para naman sa mga High Voltage Consumer.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Glenmark Aquino, General Manager ng ISELCO 1, sinabi niya ang pagtaas ng power rates ay bunsod ng pagtaas ng wholesale electricity spot market na pinanggagalingan ng suplay ng kuryente.

Nilinaw niya na kung magkano ang taripa na ipinapataw sa spot market ay siya ring ipinapasa nila sa mga consumers.

--Ads--

Ayon kay Aquino, ang wholesale electricity spot market ay nakadepende sa law of supply and demand at dahil sa mainit ang panahon ngayon ay tumaas ang demand ng kuryente na dahilan upang nagtaas ang mga ito ng power rates.

Sa ngayon wala pang power generator ang ISELCO 1 dahil inaantay pa nila ang approval ng Energy Regulatory Commission sa approval ng mga power supply agreements para rito.

Batay sa kanilang analysis, mas mababa ang avegare rate ng ISELCO 1 ngayong nakadepende ito sa spot market kung ikukumpara sa mga panahong mayroon itong kontrata sa power generation.

Inaasahan naman na mababawasan ang power rate kapag lumamig na muli ang panahon.