--Ads--

Kinumpuni at pinalitan ng ng mga kawani ng Isabela Electric Cooperative (ISELCO 1) ang mga nasirang transformer kagabi dahil sa malalakas na hangin at pag-ulan na naranasan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Foreman Rey Alvarez, ng ISELCO 1, sinabi niya na dalawang linya ng kuryente ang nasira dahil sa hangin at ulan na naranasan kagabi.

Isa mula rito ay nangyari sa Roxas Street District 2, Cauayan City dahil sa pagbagsak ng sanga ng mangga ay nahila ang kable ng kuryente at nagka short circuit.

Isang transformer pa ang nagliyab kagabi sa Paraiso Street, Cabaruan Cauayan City dahil pa rin sa short circuit.

--Ads--

Ayon kay Alvarez, kagabi ay tuloy tuloy ang pagkumpuni ng ISELCO 1 upang maibalik agad ang tustos ng kuryente subalit isa sa nasunog ay hindi agad naayos.

Aniya bukod sa mga transformer, pumutok din ang 6 na kuntador ng kuryente sa Purok 4, Minante 1, Cauayan dahil sa short circuit na dulot ng pagkadikit dikit ng mga kable ng kuryente at telecommunication providers.

Samantala, hindi lamang pagkukumpuni ng sirang mga kable at transformer ng kuryente ang ginagawa ngayon ng ISELCO.

Sa ngayon ay pinaiigting pa ng ahensya ang pagsasagawa ng clearing operation kung saan tinatanggal na ang mga sanga ng puno na dumidikit sa kable ng kuryente.

Ayon pa kay Forman Rey Alvarez, posibleng mas maraming transformer o kable ng kuryente ang masira kung hindi aayusin agad ang mga sanga ng puno ng kahoy ngayong inaasahan na  sunod sunod na ang  pag-ulan na mararanasan.

Pakiusap naman niya sa publiko na tulungan silang maglinis at magputol ng mga sanga ng punong kahoy na nakadikit sa mga kable at poste ng kuryente upang wala nang masirang transformer at wala ng power interruption na maranasan sa mga susunod na makararanas ng pag-ulan.