--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasawi ang isang board of director ng Isabela Electric Cooperative (ISELCO) II na idinawit sa pagpatay kay Internal Audit Manager Agnes Palce matapos na magpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa loob ng kanilang bahay sa barangay Sta. Barbara, City of Ilagan.

Sa nakuhang impormasiyon ng Bombo Radyo Cauayan sa City of ilagan Police Station, ang nagpakamatay ay si Board of Director Michael Paguirigan, 59 anyos, may-asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Nagbaril umano sa sarili si Paguirigan habang nakaupo sa butaka sa kanilang sala.

Una rito ay nakita si Paguirigan ng kanyang misis na may nakapatong na unan sa kaniyang dibdib.

--Ads--

Nilapitan siya ng kanyang misis at tinanong kung ano ang ginagawa nito ngunit bigla na lamang siyang nakarinig ng putok ng baril at umagos na ang dugo mula sa kanyang katawan.

Naisugod pa si Paguirigan sa isang pribadong ospital ng mga tumugon na kasapi ng Rescue 1124 ngunit binawian ng buhay.

Si Paguirigan ay kasama ni General Manager David Solomon Siquian na idinawit sa pagpatay kay Ginang Palce.

Nakaburol na ang labi ni Paguirigan sa isang punerarya sa Ilagan City.