CAUAYAN CITY- Binigyang kasagutan ng Isabela Electric Cooperative o Iselco 1 ang katanungan ng publiko hinggil sa mga pagkawala ng kuryente na walang paabiso
Ayon sa opisina, hindi galing sa kanilang opisina ang minsang nararanasang pagkawala ng kuryente
Marami kasi ang naipaparating hinggil sa reklamo na biglaang pagkawala ng kuryente kahit hindi maman bumabagyo
Ayon kay Supervisor Laarni San Antonio, ang Branch Office Supervisor ng Iselco 1 – Cauayan Branch, bagaman kadalasang nangyayari ang unscheduled power interruption tuwing may bagyo, may ilang pagkakataon din aniya na nararanasan ito kahit maayos ang panahon
Dulot ito ng pagkasabit ng mga linya ng kuryente sa mga puno o kaya naman kapag nagkakaroon ng malakas na hangin
Ayon sa opisyal, hindi nila kagustuhan ang ganitong pangyayari ngunit wala rin silang magagawa dahil awtomatikong nawawala ang kuryente kapag may abnormalities sa daloy nito
Ito rin ang palaging binabanggit ng opisina na automatic reclosure kapag nagkaroon ng pagbabago sa daloy ng kuryente
Giit pa ng opisyal, kadalasan naman na sa ganitong sitwasyon ay hindi naman nagtatagal at bumabalik din agad ang daloy ng kuryente