--Ads--

CAUAYAN CITY- Posibleng maharap sa kaso ang mga naninira sa Isabela Electric Cooperative 2 o Iselco II batay sa naging pagpapahayag ng ilang board of directors sa isinagawang press conference kahapon.

Ito ay dahil umano sa lantaran na paninira sahalip na idulog sa kanilang opisina ang mga nararanasang problema sa serbisyo ng ISELCO 2.

Kaya naman, muling nagpaalala ang hanay ng mga board of directors ng electric cooperative na siguruhing kayang panindigan ng mga bashers ang paninira sa kooperatiba.

Ayon naman kay Engr. Erni G Baggao, ang General Manager ng Iselco 2, aniya desisyon ito ng mga board of directors at hindi niya sakop ang kanilang kaiisipan.

--Ads--

Ngunit para sa kaniya ay positibo ang kaniyang pananaw sa mga sinasabi ng mga bashers.Pagkakataon kasi ito para mapagbuti pa ng kanilang opisina ang serbisyo sa member consumer nito.

Aniya, kabilang sa mga resulta ng feedback mula sa publiko ay ang plano ngayon ng ISELCO na magtayo ng mas marmaing substations.

Sakaling matapos ang mga ito, matutuganan na aniya nito ang hinaing ng mga member consumer na biglang nawawalang suplay ng kuryente.

Giit ng GM, ang komento mula sa kanilang nasasakupang bayan ay magandang oportunidad upang matugunan ang problemang nararanasan.

Hinikayat din nito ang publiko na direktang dumulog sa kanilang opisina upang malaman ang kanilang problema.

Aniya, kung idadaan kasi ito sa mga opisyal ng Barangay ay may pagkakataon na hindi ito nakaksrating sa kanilang opisina.

Kalimitan kasi aniya itong senaryo sa mga sitio na sa mga barangay officials idinudulog ang kanilang problema sa serbisyo ng kuryente.

Giit ni Engr. Baggao, bukas ang kaniyang opisina sa lahat ng member consumer na may hinaing, katanungan at suwestiyon sa serbisyo ng ISELCO 2.