--Ads--

Nakipag-ugnayan na ang Isabela Electric Cooperative (ISELCO) 2 sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) upang maresolba ang problema palagiang pagkawala ng tustos ng kuryente.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Joseph Palattao ng ISELCO 2, sinabi niya na nagkakaroon ng unscheduled power interruption sa tuwing nagsha-shut down ang mga feeder line ng NGCP sa tuwing naabot nito ang 345 ampere na naka-set sa feeder.

Nangyayari ito dahil sa mataas na demand ng kuryente ng mga service consumer.

Kapag nagkakaroon ng unscheduled power interruption ay umaabot ng tatlo hanggang anim na oras.

--Ads--

Ayon kay Engr. Palattao, magkakaroon ng scheduled power interruption bukas, ika-6 ng Agosto sa Ilagan at Cauayan City upang bigyang daan ang pagpapalit ng transformer upang maitaas ang setting ng connection nito.