--Ads--

Opisyal nang idinideklara sa ilalim ng State of Calamity ang isla ng Calayan matapos ang matinding pinsalang dulot ng Super Typhoon “Nando”.

Sa bisa ng Resolution No. 97, Series of 2025 na ipinasa ng Sangguniang Bayan ng Calayan, kinilala ang lawak ng pinsala sa imprastruktura, kabuhayan, at kalusugan ng mamamayan sa buong isla. Ang deklarasyon ay magbibigay-daan sa agarang paggamit ng calamity funds, implementasyon ng mga relief at rehabilitation efforts, at pagpapatupad ng price freeze sa mga pangunahing bilihin alinsunod sa Republic Act No. 7581 (Price Act of 1992).

Kabilang sa mga pangunahing naapektuhan ay ang supply ng kuryente at tubig, komunikasyon, at serbisyong pangkalusugan, gayundin ang pagkasira ng mga kabahayan at pananim.

Ayon sa lokal na pamahalaan, nagpapatuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga pambansang ahensya tulad ng DOH, DSWD, at NDRRMC upang mapabilis ang tulong sa mga residente.

--Ads--

Ang deklarasyon ng State of Calamity ay layuning maprotektahan ang mga mamamayan, mapabilis ang pagbangon ng Calayan, at matiyak ang maayos na pamamahagi ng tulong sa mga pinakaapektado.