CAUAYAN CITY- Itinuturing ng Prov’l. Gov’t. ng Isabela na isolated case lamang ang pagkakatagpo ng halos 18 kilo ng Coccaine na nagkakahalaga ng P/79.13 million sa baybayin ng Dipudo, Divilacan, Isabela.
Ito ang inihayag sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan ni Vice Governor Tonypet Albano kaugnay sa isinasagawa ng House Committee on Dangerous Drugs sa paggamit umano ng mga baybayin ng Pilipinas na transhipment ng mga illegal na droga.
Hindi anya nababahala ang pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa pagsisiyasat ng komite dahil isang lamang anya isolated case ang pagkakatagpo ng mga coccaine na nalilimot na sa karagatan ng Divilacan.
Sa kabila anya nito ay hinihiling nila sa mga pulis at phil. Coastguard ang pagbabantay sa karagatang nasasakupan ng apat na coastal towns ng Isabela.
Sinabi pa ng Vice Governor na malaking tulong ngayon ang ginagawang daan patungong mga coastal towns ng Isabela upang makatulong ang Prov’l. Gov’t sa pagbabantay sa karagatan ng bansa.




