--Ads--

Binomba ng mga Israeli jets ang Beirut, Lebanon matapos maglunsad ng rocket at drone attack ang Hezbollah laban sa isang base militar malapit sa Haifa sa Northern Israel.

Ayon sa Hezbollah, ang kanilang pag-atake ay tugon sa pagpatay kay Ali Khamenei, ang Supreme Leader ng Iran, at ito ay isinagawa para sa depensa ng Lebanon at ng kanyang mamamayan, pati na rin bilang tugon sa paulit-ulit na agresyon ng Israel.

Ayon sa grupo, may karapatan silang ipagtanggol ang kanilang sarili at tumugon sa tamang oras at lugar dahil sa patuloy na agresyon ng Israel at ang pagpatay sa kanilang mga lider, kabataan, at mamamayan.

Agad namang tumugon ang Israel sa pamamagitan ng air strikes sa Sothern Beirut. Iniulat din ng lokal media ang mga pag-atake sa ilang baryo sa Southern Lebanon at sa Bekaa Valley sa silangan ng bansa.

--Ads--

Ayon sa militar ng Israel, marahas nilang inaatake ang Hezbollah sa buong Lebanon at kikilos laban sa anumang banta sa estado ng Israel.

Noong Nobyembre 2024, nagkasundo ang Hezbollah at Israel ng isang ceasefire, ngunit ayon sa Israel, patuloy nilang nilalabag ang kasunduan at halos araw-araw ay nagsasagawa ng pag-atake sa buong bansa.