--Ads--
Inutusan ni Israeli Prime Minisiter Benjamin Netanyahu ang militar na palawakin pa ang operasyon sa timog na bahagi ng Lebanon dahil sa patuloy na pag-atake ng Hezbollah.
Pinalalawak ng Israel ang “buffer zone” hanggang sa Litani River, habang nagpapatuloy ang labanan matapos ang air strikes laban sa Iran.
Mahigit 400 fighters ng Hezbollah at higit 1,100 katao sa Lebanon ang naiulat na nasawi, habang apat na sundalo ng Israel ang namatay.
Layunin ng Israel na palakasin ang seguridad sa hilagang hangganan at pahinain ang mga grupong kaalyado ng Iran, kabilang ang Hamas.
--Ads--











