Pinaghahandaan na ng Lungsod ng Cauayan bilang host city ang nalalapit na University Games and Culture & the Arts program ng lahat ng Campuses ng Isabela State University.
Ang naturang aktibidad ng institusyon ay magsisimula sa Pebrero 2 na magtatagal hanggang Pebrero 6, 2026 dahilan upang paghandaan ng mga awtoridad ang dami ng mga delegado.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ret. Col. Pilarito Mallillin, Chief ng Public Order and Safety Division, sinabi nito na nakatanggap sila ng abiso kaugnay sa aktibidad kaya nagsagawa sila ng pagpupulong kasama ang mga kapulisan at nakikipag-unayan na rin sila sa Rescue 922.
Dahil sa higit 7,000 delegado aniya ang inaasahang dadalo ay kailangan din nilang planuhin ang parking area at ang pagbabantay sa billeting quarters ng mga kalahok.
Batay sa kanilang monitoring, maluwang aniya ang parking area sa Barangay San Fermin kung saan matatagpuan ng Campus ng ISU Cauayan, partikular parking space malapit sa isang pribadong paaralan at pwede rin aniyang pansamantalang mag-park sa bisinidad ng Isabela Convention Center (ICON) kung kinakailangan.
aniya ng POSD at PNP dahil inaasahan na mayroon ding mga delegado ang pansamantalang manunuluyan sa mga ito.
Ayon kay POSD Chief Mallillin, sa mga araw na isasagawa ang aktibidad ay posibleng maranasan ang bahagyang pagsikip sa daloy ng trapiko dahil sa mga dami ng mga magtutungo sa ISU Cauayan.











