Nagdiriwang ngayon ang Isabela State University Cauayan – College of Law matapos mahigitan ang passing rate ng BAR Exam noong 2024, batay sa inilabas na datos ng Supreme Court nitong Miyerkules, Enero 7.
Sa pagtaya ng Unibersidad, tinatayang 52.13% ang passing rate ng Cauayan ngunit paglilinaw niya na ito ay batay pa lamang sa kalkulasyon ng pamantasan.
Ang National Passing rate naman ay 48.98.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ret. Judge Raul Babaran, ang kasalukuyang Dean ng College of Law, sinabi niya na hindi sila nabigo dahil umabot na sa 36 ang mga pumasa na galing sa nasabing Unibersidad, mas mataas ito kung ikukumpara sa 19 na pumasa noong nakaraang taon.
Batay sa kanilang datos, 73 ang nag apply ngunit 67 na indibidwal ang nag kumpirmang magsusulit habang ang 3 ay minabuting i sikreto muna upang hindi ma pressure sa resulta, kaya sa kabuoan ay 70 ang nag exam.
Napag-alaman naman ng Unibersidad na 21 ang pumasa mula sa 36 na first-time takers, habang ang iba ay 2nd-time takers na.
Dagdag pa ni Ret. Judge, dumarami na ang mga na produce na Lawyer ng ISU-Cauayan batay sa kaniyang obserbasyon simula nang maupo siyang Dean noong taong 2021.
Kaugnay nito ay inaasahan na mas dadami pa ang mag e-enroll sa naturang Unibersidad dahil sa positibong resulta ng BAR Exam.











