--Ads--

CAUAYAN CITY-Ikinagagalak ng Pamunuan ng Isabela State University o ISU ang muling pangunguna ng kanilang pamantasan sa 2024 Agricultural and Biosystems Engineers Licensure Examinantion.

Ito ay matapos masungkit ni Engr. John Philip Dela Cruz, Alumnus ng ISU – Echague Campus ang Rank 1 sa katatapos na naturang board exam.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Rickmar Aquino, Presidente ng ISU System, sinabi niya na unang nakapagtala ng kanilang Unibersidad ng Rank 1 sa Agricultural and Biosystems Engineers Licensure Examinantion ay noong 1979 at nitong nakalipas na mga taon lamang ay patuloy ang pamamayagpag ng ISU sa naturang pagsusulit.

Bilang bahagi aniya ng panuntunan ng kanilang pamantasan ay bibigyan nila ng Cash incentives si Engr. Dela Cruz bilang pagkilala sa karangalan na ibinigay nito sa Unibersidad.

--Ads--

Kinilala rin ang ISU Echague Campus bilang pangalawang Top performing schools sa buong bansa sa katatapos na Agricultural and Biosystems Engineers Licensure Examinantion.

Aniya, dahil dito ay maraming gustong mag-aral ng Engineering sa ISU ngunit hindi lahat kaya nilang I-accommodate dahilan kaya’t nasasala ng maigi ang mga mag-aaral sa admission.

Maliban dito ay sinisiguro nila nayroon silang mga intervention na ginagawa para maihanda ang mga mag-aaral sa pagkuha ng Board Exam.

Dahil sa magandang performance ng ISU sa mga nakalipas na taon ay unti-unti na umano nitong natatapatan ang mga tanyag na Unibersidad sa Pilipinas.