CAUAYAN CITY – Nagpatupad ng lockdown ang Isabela State University (ISU) main campus sa Echague, Isabela matapos magpositbo sa COVID-19 ang dalawang facullty member at ang isa ay nasawi habang tatlo ang positibo sa rapid test.
Magtatagal ang lockdown hanggang sa araw ng Linggo, March 28, 2021.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Ricmar Aquino, Pangulo ng ISU System na kailangan muna silang maglockdown dahil sa 2 faculty member na nagpositibo sa virus.
Ang 3 na nagpositibo sa rapid test ay isinailalim sa swab test para sa confirmation.
Ang mga direct contact ng mga nagpositibo ay kailangang sumailalim sa self-isolation.
Ayon kay Dr. Aquino, sa kabila ng lockdown sa ISU main campus ay mayroon silang binuong skeleton work force para sa tuluy-tuloy na financial operation ng unibersidad.
Ang ibang mga kawani ay sumailalim muna sa work from home.
Samantala, sinabi ni Dr. Aquino na kinukumpirma niya ang ulat na may nagpositibo rin sa ISU Cauayan City Campus.
Inatasan na rin niya ang campus head na tukuyin na ang mga direct contact ng nagpositibo sa virus para makapag-self isolate.





