--Ads--

CAUAYAN CITY- Ilang aktibidad ang nakahanay na isagawa ngayong Buwan ng Wika ngayong buwan ng Agosto na may Temang “ Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa”

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Mark John Prestoza ang Director ng Sentro ng Wika at Kultura , sinabi niya na naka angkla sa mayabong na kasaysayan ang wikang Filipino.

Batay sa Proclamation 1041 series of 1997 na nilagdaan ni Pangulong Fidel Ramos na nagtatakda sa buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wikang Pambansa.

Hinihimok nito ang lahat ng ahensya ng Pamahalaan at Academic Institution na magsagawa ng aktibidad para isulong ang kamalayan, pagpapahalaga sa Wikang Filipino at iba pang katutubong wika.

--Ads--

Ang tema ngayong taon ay isang paninnindigan sa kapangyarihan ng Wika na tagapag-ugnay sa kasaysayan at hinaharap na siyang magbubuklod sa isang bansa na tunay na Makatao, Makabayan at Makatarungan.

Aniya may mga calendar of activities sila para sa buong buwan ng Agosto na pangungunahan ng tanggapan ng Sentro ng Wika at Kultura .

Ilulunsad ang Tertoryang pang Wika kung saan isasagawa ang isang komperensya tampok ang pagpapayaman ng mga Wika, Kultura at Panitikan na dadaluhan ng mga batikang propesor at Komisyuner sa Wikang Filipino.

Ang SWK ay siyang bagong sangay ng komisyon sa Wikang Filipino na isa sa mga ahensya ng Pamahalaan na kumikilala at pumoprotekta sa wikang Pambansa at Wikang Katutubo.

Ang ISU SWK ay sangay ng KWF sa mga Rehiyon, Lalawigan at Bayan Alinsunod sa pinagtibay na kapasyahan ng mga Komisyoner bilang 1322 series of 2013 na siyang nagpapatibay sa re-orientation ng Sentro at Kultura ng KWF.

Ipinapahiwatig ng bagong pangalan ang malakawang na orientation sa ilalim ng panganagsiwa ng buong Bayan, Lalawigan o Rehiyon na may tatlong sangay kabilang ang Quirino State University, Cagayan State University at Isabela State University.

Isa sa mga mithiin ng SWK ang pagkakaloob ng mga aklat, sangunian, babasahin at poster na may kaugnayan sa mga tungkulin na pang Wika at Kultura ng SWK.

Bumuo ng mga aktibidad na magpapasigla ng gawain sa mga mag-aaralan na aakit ng pansin sa loob at labas ng Unibersidad na siyang makakapaglingkod sa pangangailangan ng mga Guro at mag-aaral sa Filipino.

Pagpapatibay sa mga proyekto na pang Wika at Kultura at pagbibigay patnubay teknikal sa proyekto na may kinalaman sa Wika at Kultura.

Isa sa nakikita nilang hamon ay ang Literacy kaya hinihimok nila ang mga Guro at mag-aaral na makiisa sa mga aktibidad tungkol sa pag-papayaman ng literasiya sa katutubong wika na itinuturing na “Talinong Bayan” na magandang pundasyon para sa mga mag-aaral sa pagpapayabong ng pang-unawa.

Sa katunayan ay may naihanda na na MOU o Memorandum of Understanding sa pagitan ng ISU system, Deped at KWF para mapasigla ang pagmamahal sa Wika.

Batay sa PISA kapansin pansin ang inilabas na datos ng mga skolar ng wika kung saan mas mataas pa ang marka ng mga mag-aaral na hindi gumagamit ng salitang ingles kumpara sa mga gumamit ng ingles.

Batay sa tiyorya mas mainam na gamitin ang L1 o first language bilang fundamental language na kinagisnang wika ng mga bata.

Lumalabas din sa pag-aaral na itinuturing na mas matalino ang multilingual na bata kaysa sa tinatawag na mono at bilingual na bata.

Kamakailan lamang din ng isakatuparan ang RA 12027 na nagaalis sa Mother Toungue Base Multilingual Education sa kinder hanggang Grade 3 gayundin na pinag-aaralan na alisin na ang mga aralin na may kinalaman sa Filipino sa kolehiyo.

Giit niya malaking katanungan sa ngayon ay ang unti-uting pag tanggal sa dangal at talino ng bayan lalo at ang wika ay hindi sagabal sa pagkatuto dahil isa lamang itong gabay sa pagpapayabong at pagyaman ang sailing pagkakakilanlan.