--Ads--

Marami ang nagalit na Italians dahil sa plano ng U.S. na magpadala ng mga agent ng Immigration and Customs Enforcement (ICE) para tumulong sa seguridad ng 2026 Winter Olympics sa Milan at Cortina.

Ayon sa ulat, ang mga ICE agents, kabilang ang unit na Homeland Security Investigations (HSI), ay idedeploy upang suportahan ang U.S. Department of State Diplomatic Security Service sa pagsusuri at pag-manage ng panganib mula sa mga transnational criminal organizations.

Iginiit ng Department of Homeland Security (DHS) na hindi gagawin ng ICE ang anumang immigration enforcement sa Italya at mananatili sa kontrol ng mga Italian authorities ang lahat ng seguridad sa Olympics.

Ngunit maraming Italians, kabilang ang mga kasalukuyan at dating mambabatas, ang nanawagan kay Prime Minister Giorgia Meloni na pigilan ang presensya ng ICE dahil sa kontrobersyal na reputasyon ng ahensya, lalo na matapos ang dalawang insidente ng pamamaril sa Minneapolis sa ilalim ng immigration crackdown.

--Ads--

Mariing tumutol si Giuseppe Sala, alkalde ng Milan, at ilang grupo ang naghain ng mga petisyon at plano ng protesta laban sa ICE.