--Ads--

Inaasahang magdadala ng mga pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ), Shearline, at Northeast Monsoon (Amihan) ngayong araw, Disyembre 30.

Ayon sa PAGASA, magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang Shearline sa Metro Manila, CALABARZON, Aurora, Oriental Mindoro, Marinduque, Camarines Norte, Camarines Sur, at Catanduanes.

Magdadala naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang ITCZ sa Visayas, Zamboanga Peninsula, nalalabing bahagi ng MIMAROPA, nalalabing bahagi ng Bicol Region, Dinagat Islands, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Lanao del Norte, at Lanao del Sur.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms ang iiral sa nalalabing bahagi ng Mindanao dahil sa ITCZ.

Samantala, Northeast Monsoon o Amihan naman ang umiiral sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region.

Ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains dahil sa Amihan.