--Ads--

Muling binabantayan ng Kagawaran ng Pagsasaka o DA Region 2 ang mga pananim na palay sa Rehiyon dahil sa banta ng rice black bug infestation at stem borer.

Sa panayam ng Bombo Radyo Caujayan kay Dr. Minda Flor Aquino ang Senior Science Reserch Specialist ng Da Region 2, sinabi niya na batay sa kautusan ni DA Region 2 ay mahigpit ang monitoring nila dahil sa mga ulat na infestation sa mga kalapit na rehiyon.

Inaasahang mag lalabasan muli ang rice black bug sa full moon o kabilugan ng buwan.

Matatandaan na may ilang pagkakataon noong 2023 na nakapagtala ang ilang bayan sa Lalawigan ng Isabela kabilang ang Roxas kung saan sako sakong mga itim na atangya ang kanilang nakuha

--Ads--

Aniya pag napabayaan ang rice black bug ay makakaapeklto ito sa ani ng mga rice farmers..

Ayon sa DA may mga naitalang kaso na ng stem borer na may 10% infestation sa mga seed bed maging sa mga vegitative stage ng palay.