--Ads--

Inu-ulan ngayon ng pagbati si PMaj. Fernando Mallillin matapos siyang itanghal bilang isa sa mga Most Outstanding and Natatanging Cauayeño 2025.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pmaj. Fernando Mallillin ang hepe ng Ramon Police Station, sinabi niya na hindi niya inaasahan ang iginawad na pagkilala sa kaniya bilang isa sa mga Most Outstanding and Natatanging Cauayeño para sa Law enforcement Division.

Aniya marahil ay nakita ang kaniyang maigting na pagseserbisyo mula ng siya ay Patrolman hanggang sa maging opisyal kung saan nakatanggap din siya ng ilang awards at pagkilala.

Ayon pa kay PMaj. Mallillin na hindi siya magsasawang mag serbisyo hindi lamang sa Lunsod ng Cauayan kundi maging sa ibang Bayan sa Lalawigan ng Isabela.

--Ads--

Nagkaroon din aniya ng malinaw na pagbabago ng siya ay maupo bilang Chief of Police gaya ng pagbaba ng krimen at iba pang inovations na maaaring ipagpatuloy ng mga sususnod na hepe.

Sa ngayon ay dalawampu’t limang taon na siya sa serbisyo, lagi niya sinasabi sa mga mas batang pulis sa kaniya na hindi lamang pagpapataas ng rangko ang dapat pagtuunan ng pansin dahil kaakibat nito ang dedikasyon sa pagiging public servant.

Simple lamang aniya ang katangian na kailangan para maging isang magiting na pulis at ito ay ang tapat na pagseserbisyo sa taumbayan maging sa pamilya sa kabila ng mga pagsubok,walang kinikilingan at walang tinatapakang tao para maging magandang ihemplo na maaaring tularan ng iba.