--Ads--

CAUAYAN CITY – Lalong nahikayat ang Chairman ng Isabela Volunteer Against Crime na maibalik ang parusang kamatayan matapos ang pagpatay ng isang pulis sa mag-ina sa Tarlac.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay IVAC Chairman Ysmael Atienza, sinabi niya na noong siya ay maging kasapi ng Sangguniang Panlalawigan at myembro ng Regional Peace and Order Council ay ipinanukala niya ang pagbabalik sa parusang kamatayan para sa mga karumal-dumal na krimen o Heinous crimes.

Aniya noong panahon ng Administrasyon ni dating pangulo Fidel V. Ramos ay nasabi nito na dalawang porsyento sa kabuuan ng Philippine National Police ay maituturing na mga iskalawags.

Sa kabila nito ay marami pa naman aniyang mga matitinong pulis at hindi mapagsamantala sa kanilang kapangyarihan.

--Ads--

Ilan aniya sa mga ito ay sobrang taas na ng tingin sa sarili kaya nakakagawa na ng hindi karapat-dapat at nawawala na ang sinumpaang tungkulin na to serve and protect.

Iminungkahi ni Chief Atienza na magkaroon ng quarterly na psychiatric examination sa mga pulis upang masuri para sa kanilang tungkulin o trabaho.

Ang bahagi ng pahayag ni IVAC Chairman Ysmael Atienza.