CAUAYAN CITY – Tinanghal bilang Best District Jail Warden si JCInsp. Ericley Louise Lazaro ng BJMP Santiago City sa ilalim ng Best of the Best ng Bureau of Jail Management and Penology National ngayong taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay JCInsp. Ericley Louise Lazaro, Jail Warden ng BJMP Santiago City, sinabi niya na labis ang kaniyang kasayahan sa nakamit na parangal dahil hindi nito inaasahan na makakarating pa ito sa National.
Ayon kay JCinsp. Lazaro, tinuring niyang malaking ambag sa tagumpay ang kanilang proyekto na paggawa ng PPE sa kalagitnaan ng Pandemic kung saan buong Rehiyon Dos ang kanilang nahandugan ng libreng serbisyo.
Maliban rito ay tinutukan rin niya ang internal cleansing sa kanilang hanay at pagkakaroon ng mga simulation exercise para sa mas epektibong pagseserbisyo.
Nagpasalamat din si JCinsp. Lazaro sa mga sumusuporta sa kanilang programa pangunahin na sa mga pumuri nito.