--Ads--

Kinumpiska ng Japan ang barkong pangisda mula sa China.

Ayon sa Japanese fisheries agency, na binalewala sila ng nasabing barko ng China noong ito ay pumasok sa kanilang exclusive economic zone sa Nagasaki Prefecture.

Pinayuhan nila ang kapitan ng barko na huminto para sa inspeksyon ng mga otoridad subalit hindi ito tumigil.

Mayroong sakay na 11 katao ang barko kabilang ang kapitan na isang 47-anyos na Chinese national.

--Ads--

Hindi lamang to ang unang pagkakataon na kinumpiska ng Japan ang barkong pangisda ng China dahil nangyari na ito noong 2022.

Tiniyak naman ni Japanase Chief Cabinet Secretary Minoru Kihara na hindi sila titigil sa pagkumpiska ng mga barko na nagsasagawa ng iligal na pangingisda sa karagatan nila.