--Ads--

Naglabas ang Japan Meteorological Agency ng pinakamataas na antas ng babala o warning na maaaring maitala muli ang 7.5-magnitude na lindol na tumama noong Lunes.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Hannah Galvez, pinayuhan ng mga awtoridad ang mga nakatira sa Pacific coast na manatiling alerto sa buong linggo at ihanda ang kanilang evacuation plans sakaling kailanganing lumikas.

Saklaw ng babala ang humigit-kumulang 1,300km, mula Chiba malapit sa Tokyo hanggang Hokkaido.

Ayon sa pagtaya ng pamahalaan, ang posibleng offshore megaquake ay maaaring magdulot ng hanggang 30-meters na tsunami, aabot sa 199,000 na posibleng masawi, 220,000 kabahayan at gusali ang posibleng masira, at magdulot ng pinsalang aabot sa 31 trilyon yen o nasa $198 bilyon.

--Ads--

Nagdulot ang lindol noong Lunes ng gabi ng nasa 34 na nasugatan at nag-activate ang pamahalaan ng malawakang tsunami warnings, kung saan may naitalang hanggang 70cm na alon sa ilang coastal areas.

Ibinaba na ang lahat ng tsunami alerts, ngunit nagsasagawa ngayon ng safety checks ang mga nuclear power plant sa rehiyon.

Ito naman ang unang beses na inilabas ang pinakamataas na warning mula nang ipatupad ang bagong sistema noong 2022.