--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsasagawa na ng Feasibility study sa pangunguna ng Japan Water Agency at Isabela State University para sa rehabilitation ng Magat Dam.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni  Atty. Romano Cammayo, Vice President for Admin and Finance Services, na nakipag-ugnayan sa tanggapan ni ISU System President Ricmar Aquino ang grupo ni Director General Yuri Suzuki ng Japan Water Agency

Ang Japan Water Agency ay magkakaroon ng feasibility study ukol sa kung papaano marehabilitate ang magat dam.

Ito ay dahil batay sa pag-aaral ang magat dam ay mayroong 40% holding capacity at mayroon na lamang sampong taong life span.

--Ads--

Ito ang dahilan kung bakit kinakailangan nang magpatupad ng intervention sa Magat Dam.

Kasama si Dr, Orlando Valderama na nakikipag-ugnayan sa Japanese counterpart at sa Kyoto (Q2) University.

Napili anya ang ISU na maging partner ng Japan Water Agency na magsasagawa ng feasibility study dahil sa expertise ni Dr. Valderama na nagtapos a Kyoto University.

Kapag natapos na ang feasibility study ay ipre-presinta nila ito sa Japan International Cooperation Agency (JAICA) para sa pagpopondo.

Kasalukuyan ang pagkuha ng mga impormasyon at  feasilbiltity study  sa magat dam na itinayo noong 1975 at natapos noong  1982

Pinabibilisan na rin ni DR. Aquino ang feasibility study upang agad nang maipatupad ang rehabilitation ng Magat Dam.

Ang magiging counterpart ng ISU ay ang kanilang mga experts na bahagi ng feasibility study na popondohan ng JAICA.