Nagluluksa ang mundo ng anime at manga sa pagpanaw ni Nobuyo Oyama, ang minamahal na Japanese voice actress na kilala sa pagbibigay-buhay sa iconic character na Doraemon.
Noong Biyernes, Oktubre 11, 2024, inihayag sa publiko ng pamilya ni Oyama ang kanyang pagpanaw, kahit na mas maaga siyang namatay noong Setyembre 29, 2024, sa edad na 90.
Ayon sa kanyang talent agency, Actor 7, namatay si Oyama dahil sa mga dahilan na may kaugnayan sa edad.
Si Oyama ay nakakuha ng pagkilala sa buong mundo bilang boses ng pinakamamahal na cartoon robot na pusa na si Doraemon, na isinabuhay niya sa loob ng mahigit dalawang dekada simula noong 1979.
Nagretiro siya sa tungkulin noong 2005, na nag-iwan ng legacy bilang boses ng isa sa pinakakilalang karakter ng Japan.
Nagsimula ang kanyang karera bilang voice actress noong 1960, kasama ang kanyang papel sa papet show ng NHK na Boo Foo Woo (1960-1967).
Kasunod ng kanyang debut, yumabong ang karera ni Oyama, na nagbukas para sa mas maraming proyekto.
Bukod sa boses ng Doraemon, kilala rin si Oyama sa pagboses ng Kappei Jin sa robot anime series na Invincible Super Man Zambot 3 (1977-1978) at Monokuma sa video game series na Danganronpa (2010-2016).