Magkakaroon ng solo concert sa Pilipinas si America’s Got Talent Season 20 Grand Champion Jessica Sanchez.
Ayon sa Wilbros Live, gaganapin ang concert ni Jessica sa Araneta Coliseum sa darating na Mayo 16.
Wala pang detalye tungkol sa mga presyo ng ticket, ngunit asahan ng mga tagahanga ang karagdagang anunsyo mula sa organizer.
Kamakailan lamang, muling namangha ang publiko kay Jessica matapos niyang manalo sa “America’s Got Talent” Season 20.
Unang nakilala ang Filipino-American singer sa “America’s Got Talent” noong siya ay 10 taong gulang, kung saan umabot siya sa semifinals. Sumikat din siya bilang runner-up ng “American Idol” Season 11.
Noong Hulyo ng nakaraang taon, bumalik siya sa “America’s Got Talent” at itinanghal ang kantang “Beautiful Things” ni Benson Boone, na nagbigay sa kanya ng golden buzzer mula kay Sofia Vergara.





