--Ads--

Inihayag  ni United States president-elect Donald Trump na magpapalabas siya ng classified documents sa mga susunod na raw hinggil sa pagpatay kina U.S. president John F. Kennedy, Senator Robert Kennedy, at civil rights leader Martin Luther King Jr.

Nangako si Trump, nakatakdang bumalik sa White House , sa kanyang campaign trail na ipalalabas ang classified intelligence at law enforcement files sa 1963 assassination kay JFK, ang ika-35 presidente ng Amerika.

Matatandaang ipinangako rin niya ito sa kanyang 2017 to 2021 term, at sa katunayan ay ipinalabas ang ilang dokumento ukol sa pagpatay kay JFK noong 1963.

Hindi tinukoy ni Trump kung anong mga dokumento ang ipalalabas. Kapwa pinaslang sina King at Robert Kennedy noong 1968.

--Ads--

Malaki ang interes sa JFK assassination, partikular sa United States. Iniuugnay ang murder sa isang gunman na kinilalang si Lee Harvey Oswald, at pinagtibay ng Justice Department at iba pang federal government bodies ang konklusyon na ito.

Subalit, lumalabas sa polls na naniniwala ang maraming mga Amerikano na ang pagkasawi ng dating presidente ay resulta ng mas malaking conspiracy.

Ayon kay Robert F. Kennedy Jr., anak ni Robert Kennedy at pamangkin ni JFK, na health and human services secretary-designate ni Trump, naniniwala siyang sangkot ang CIA sa pagkasawi ng kanyang tiyuhin, alegasyong mariing itinanggi ng ahensya.

Ayon pa kay Kennedy Jr., naniniwala rin siyang pinatay ang kanyang ama ng ilang gunmen, alegasyng taliwas sa kanyang official accounts.