--Ads--

CAUAYAN CITY – Ikakasa ng Public Employment Service Office o PESO Isabela sa ikatatlumpo ng Agosto ang Job fair kung saan mayroong walong daang job openings.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PESO Manager Jeng Reyes sinabi niya na nasa tatlumpong kompanya na ang nagkumpirma para lumahok sa ikakasang job fair sa August 30, 2024.

Aniya ang Job Fair ay isasagawa sa ground floor ng Queen Isabela Park sa Provincial capitol.

Maliban sa mga kompanya ay naroon din ang iba’t ibang ahensiya ng Pamahalaan gaya ng PAGIBIG, Philhealth, SSS, Philsys o PSA, at BIR.

--Ads--

Kabilang sa mga posisyong maaaring aplayan ay ang Cashier, Salesman Staff, Credit and Collection Officer, Sales Supervisor, Out Salesman, Management Trainee at Warehouse Staff.

Layunin nito na makapagbigay ng hanapbuhay sa mga first time jobseekers o mga bagong graduates na naghahanap ng trabaho.

Samantala dahil sa tuloy tuloy na pagsisiskap ng PESO Office sa paglulunsad ng mga job fairs ay umakyat na ang Employment rate ng Isabela sa 90 percent pinakamataas sa buong bansa.

Aniya 50% sa industriya ay nasa sektor ng agrikultura habang mataas na bahagadan din ang green jobs o renewable energy.