--Ads--

Magsasagawa ng job fair sa ika-5 ng Setyembre ang Isabela Public Employment Service Office para sa mga nagnanais magtrabaho sa ibang bansa.

Ito ay gaganapin sa The Capital, Arena, Alibagu, City of Ilagan mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon sa nabanggit na petsa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PESO Officer Jeng Reyes, sinabi niya na mayroong 7 recruitment agencies na makikiisa sa naturang job fair na nag-aalok ng trabaho sa iba’t ibang bansa gaya ng Japan, Australia, Saudi Arabia, Hungary at iba pa.

Ilan sa mga trabaho na hinahanap ay Welder, Teacher, Nurse, Caregiver, Sales Representative, Driver, Barista, Gardener at iba pang skilled workers.

--Ads--

Para sa mga nagnanais mag-apply, magdala lamang ng resume o biodata, credentials gaya ng diploma, at NCII para sa skilled workers.  Siguruhing magdala ng maraming kopya upang makapag-apply sa maraming kumpanya.

Dahil ang naturang job fair ay para sa overseas employment ay walang maha-hire on the spot dahil maraming requirements ang kakailanganin bago makapag-trabaho sa ibang bansa.