--Ads--

Tuluyan nang isinara ng 17-time world champion na si John Cena ang kurtina ng kanyang professional career sa wrestling matapos ang kanyang huling laban kontra kay Gunther sa Capital One Arena sa Washington, DC.

Ang laban ay nagsilbing pagtatapos ng halos 25 years na pananatili ni Cena sa World Wrestling Entertainment (WWE). Kilala si Cena sa kanyang “Never Give Up” na motto, sa iconic na “You Can’t See Me” gesture, at bilang isa sa mga pinakamaraming world championship reigns sa kasaysayan ng WWE.

Bukod sa wrestling, sumikat din siya bilang aktor sa Hollywood, rapper, at kilalang tagapagtaguyod ng Make-A-Wish Foundation, kung saan siya ang may pinakamaraming natupad na wish para sa mga batang may malubhang karamdaman.

Dahil sa kanyang impluwensiya sa loob at labas ng ring, itinuturing si John Cena bilang isa sa mga pinakasikat na WWE Superstar.

--Ads--