--Ads--

CAUAYAN CITY- Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III, Chairman, GRP Panel for Peace Negotiations na nagpulong na sila kaugnay sa muling pagbabalik ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at CPP/NPA.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Kalihim Bello na agad silang nagpulong matapos iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na simulan ulit ang peace talks.

Maari anyang gawin ang pag-uusap sa Oslo, Norway o sa The Netherlands mismo upang hindi na mahirapan si  Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman   Joma Sison na bumiyahe.

Nagpahayag na rin anya ng kahandaan ang Grupo ni Sison na makipag-usap sa pamahalaan ng walang kaakibat na kondisyon.

--Ads--