Pormal nang ideneklara bilang Insurgency Free ang Bayan ng Jones, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Army Maj. Rigor Pamittan ang DPAO Chief ng 5th Infantry Division Philippine Army, sinabi niya na pinagtibay ng LGU ng Jones ang isang resolusyong kumikilala sa naturang bayan bilang Insurgency Free.
Sa pamamagitan nito ay inaasahan na nila ang tuluy-tuloy na kapayapaan at progreso sa Jones Isabela.
Aniya hindi na nakapagtala ang 5th ID at PNP ng anumang aktibidad o preasensya ng makakaliwang grupo sa naturang bayan sa loob ng higit isang taon kaya nagpasya ang NTF-ELCAC na ideklara na ito bilang insurgency free.
Aasahan na ngayon ng mga residente ng Jones ang iba’t ibang sustainable programs para sa bawat barangay ngunit tiniyak ng militar ang patuloy na monitoring.
Sa ngayon isang bayan na lamang mula sa JESSA Complex ang hindi pa naidedeklara bilang insurgency free at ito ay ang bayan ng Angadanan, Isabela.











