--Ads--

Tiniyak ng Jones Police Station ang mahigpit na pagbabantay sa checkpoint sa kanilang nasasakupan para mapigilan ang maaring pagpasok ng delta variant.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Noel Magbitang, hepe ng Jones Police Station, tiniyak niya ang mahigpit nilang pagsawata sa mga lumalabag sa mga panuntunan sa kanilang nasasakupan.

Ilan na sa kanilang nasampulan ang ilang grupo ng indibiduwal na lulan ng isang van kung saan pinabalik sa Cordon, Isabela nang mapag-alamang mula pa sila sa Kalakhang Maynila at hindi makapagpakita ng negatibong resulta ng RT PCR test.

Dahil dito ay lalo pa silang naghigpit lalo na sa travel document ng mga pumapasok sa kanilang nasasakupan.

--Ads--

Aniya, regular din ang kanilang pagpupulong sa local IATF ng Jones, Isabela para matalakay ang mga hakbang na dapat ipatupad sa kanilang nasasakupan.

Hinimok naman niya ang mga residente sa naturang bayan na sumunod sa mga health protocols para makaiwas sa COVID-19 lalo na ang delta variant.