--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigpit ang mga otoridad sa Jordan sa pagpapatupad ng lockdown sa kabila ng mababang naitatala nilang kaso sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Cristy Adriano, OFW sa Jordan at tubong Cabisera 10, lunsod ng Ilagan, sinabi niya na sa kabila ng mababang kaso ng COVID-19 sa kinaroroonan niyang bansa ay mahigpit ang mga otoridad para matiyak na hindi na ito madagdagan pa.

Aniya, kaunti lamang ang mga dumadaan na sasakyan sa mga lansangan at wala ring tao na makikita na pakalat-kalat.

Kaunti lamang din ang mga nagtutungo sa mga groserya para bumili ng kanilang mga pangangailangan subalit mahigpit pa ring ipinapatupad ang social distancing.

--Ads--

Alas-sais ng gabi aniya ang curfew at dapat wala ng tao sa labas dahil may mga pulis na nag-iikot at nagwawang-wang.

Sa bansang ito aniya ay disiplinado ang mga tao at sinusunod nila ang lahat ng sinasabi ng kanilang pamahalaan kaya naman hindi namomroblema ang mga otoridad.

Tinig ni Ginang Cristy Adriano.

Sa ngayon ay mayroong 435 na kaso ang JordAn, 315 ang recoveries, habang 7 naman ang namatay.