--Ads--

CAUAYAN CITY, Isabela – Nabasag ng atleta ng Team Negros na si Jose Jerry Belibestre, 18 anyos, mag-aaral ng University of Negros Occidental-Recoletos ang Philippine national record sa Long Jump boys sa pamamagitan ng kanyang naitalaang 7.43 meters sa ikalawang araw ng 2017 Philippine National Open Invitational Athletics Championships sa City of Ilagan Sports Complex.

Ang naunang record ay 7.41 meters na naitala ni Joebert Delicano noong Arafura games sa Darwin, Australia.

Si Delicano ang nagsilbing coach ni Belibestre sa ASEAN School Games sa Brunei kung saan napanalunan ni Belibestre ang isa sa kanyang 3 gold medal.

Samantala, si Jericho Hilario ng San Beda College ang nanalo ng silver medal sa kanyang naitalang 6.82 meters.

--Ads--

Ang bronze ay napanalunan ni s Jhaelord Adriano, 6.80 meters ng Isabela State University Team.

Samantala, sa mga laro na nagsimula kaninang 5am ay nagwagi ng gold medal sa 10,000 meter run si Sgt. Julius Sermona ng Philippine Airforce sa Villamor Aibase, Pasay City at tubong Negros Occidental.

Sa pole vault ay nagwagi ng gold si Emerson Obiena habang ang silver ay napanalunan ni Francis Mangile ng Mapua Institute of Technology.

Sa long jump ay nanalo ng gold ang atleta ng Sri Lanka, ang silver ay napanalunan ni John Rey Obas ng RP Team – City of Ilagan.

Samantala, si Roma Faye Basco na taga-Urdaneta City, Pangasinan at mag-aaral ng University of Baguio ay nanalo ng bronze sa high jump.
Si Jasmin Remolino na residente ng Basco, Batanes ay nasungkit ang medalyang pilak sa naitalang 10.68 meters makaraang kaunti lamang ang agwat sa nakakuha ng gintong medalya na si Daniela Daynata ng Dela Salle University Manila na nagtala ng distansiyang 11.04 meters.