Ipinagmamalaki ng Filipino-American actress na si Julia Rehwald ang kanyang dugong Pilipino matapos mapasama sa Netflix live-action series ng hit anime na One Piece.
Aniya, tila tadhana ang pagiging bahagi niya ng serye. Bata pa lamang siya, naririnig na niya ang One Piece sa telebisyon bagama’t hindi niya ito seryosong nasusubaybayan noon.
Sa serye, si Tashigi ay isang Marine officer na kilala sa malawak na kaalaman sa mga espada.
Inamin ni Rehwald na malayo ang karakter na ito sa mga dating ginampanan niya at bago ang kanyang karanasan sa ganitong uri ng role.
Higit pa sa kasikatan ng serye, ang pinakamahalaga para kay Rehwald ay ang representasyon ng kanyang lahi sa isa sa pinakamalaking franchise sa buong mundo.
Ayon sa kanya, umaasa siyang mapapanood ng mga Pilipino ang serye at maramdaman ang excitement at pagmamalaki na may Filipino na kabilang sa One Piece.





