--Ads--

Binigyang diin ng Junior Chamber International (JCI) Isabela ang kahalagahan ng pagkilala sa natatanging kontribusyon ng mga kababaihan sa lipunan.

Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong Marso kung saan binigyang pagkilala ang 16 na kababihan sa lalawigan ng Isabela na nagpakita ng kahusayan at dedikasyon sa iba’t ibang larangan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Dohnardwyn Videz, President ng JCI Senate Isabela, sinabi niya na kada taon ay nagsasagawa sila ng kaparehong aktbidad kung saan target nilang mas lawakan pa ang nominasyon para sa Outstanding Women in Isabela upang matiyak na mabigyan ng sapat na pagkilala ang mga kababaihan na nakapag-ambag sa pag-angat ng lipunan sa iba’t ibang sektor.

Magandang pagakakataon aniya ito para makapag-hatid ng inspirasyon sa publiko pangunahin na sa mga kababaihan na kaya din nilang makagawa ng pagbabago anuman ang kanilang kasarian, etnisidad at estado sa buhay.

--Ads--