--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa mahigit isang daang libong piraso ng 25 centavos ang nalikom ng Junior High school Department ng Bonfal National High School sa loob lamang ng dalawang buwan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Junior High School Department Head, Ana Jane Acosta Ferrer ng Bonfal National High School, sinabi niya na sa loob lamang ng dalawang buwan ay nakalikom sila ng 126,048 na piraso ng 25 centavos o katumbas ng 31,512 pesos.

Mula ikalabimpito ng Hunyo ay sinimulan nila ang pagbibilang at ginawa ang paglalatag at final counting noong ika labing lima ng Hunyo.

Aniya,  matagal na nilang ginagawa ang pag-iipon ng 25 centavos sa loob ng siyam na taon mula 2012  at natigil lamang noong pandemiya.

--Ads--

Ang nalikom na halaga ay nakalaan sa procurement ng dalawang LED TV na magagamit ng mga mag-aaral  na wala pang ginagamit ng LED TV sa pag-aaral at electric fan habang ang mga estudyante naman na nanalo o nanguna sa pag-iipon na mula sa grade 8 ay makakatanggap ng 1,500 pesos bilang premyo.

Pangunahing layunin nila sa naturang proyekto ay mabigyan ng halaga ang pag-iimpok at makita ang kahalagahan ng 25 centavos na kapag naipon ay nagkakaroon ng malaking halaga.