Nakakabahala ang hindi pagkakaroon ng sapat na kaalaman ng mga kabataan sa tungkulin ng Gobyerno.
Ito ang inihayag ng isang constitutionalist at Political analyst matapos pag-usapan online ang contestant sa isang noontime show na hindi alam kung ano ang Commision on Election (COMELEC) matapos siyang tanungin ng isang host patungkol sa naturang ahensya.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingco, sinabi niya na ang Comelec ay bahagi lamang ng Gobyerno at nakakabahala umano na baka hindi rin alam ng maraming kabataan ang functions ng iba pang sangay ng Gobyerno.
Maituturing aniya ang insidente na ito bilang kamulatan hinggil sa kamalayan ng mga kabataan sa mga kaganapan sa lipunan sa kabila ng pagiging aktibo ng ibang mga kabataan.
Ayon kay Atty. Yusingco, maaaring ito ay bunga ng kawalan ng sapat na pagtuturo sa mga paaralan hinggil sa konstitusyon dahil na rin sa walang civics education sa basic curriculum sa bansa dahilan kaya’t hindi napag-aaralan ng mga kabataan ang saligang batas.
Maganda naman aniya ang ginawang hakbang ng comelec na imbitahin ang naturang contestant para I-tour sa kanilang tanggapan ay maituro ang functions nito ngunit ito ay maituturing lamang na band aid solution at hindi ito pangmatagalang solusyon sa problema.
Kailangan aniyang I-integrate ang civics education sa curriculum ng basic education para sa murang edad ay mapag-aralan na ng mga kabataan ang mga konstitusyon.