--Ads--

CAUAYAN CITY – Naging panauhing tagapagsalita ang DOH Region 2 sa ginanap na Usapang Pangkapayapaan Usapang Pangkaunlaran o UP UP Isabela sa Tactical Operations Group o TOG 2 Phil. Air Force.

Sa naging pagpapahayag ni Dr. Nica Taloma, ang Head ng Collaborating Center for Disease Control and Prevention ng DOH Region 2, sinabi niya na mula nitong ikalawa ng Setyembre ay umabot na sa 76,383 ang kabuuang naitalang kaso sa buong rehiyon at naitala rin ang pinakamataas na naitalang aktibong kaso sa isang araw na 965.

Umabot na rin sa kabuuang 2,161 ang naitalang nasawi dahil sa Covid 19 at sa mga nakaraang araw lamang ay naitala ang apatnaput pitong huling nasawi.

Nasa 66,590 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober o gumaling habang ang aktibong kaso ay 7,604.

--Ads--

Nasa 31.1% ang positivity rate sa rehiyon at pinakamaraming naitatalang kaso ay mga kababaihan mula isang buwang gulang hanggang siyamnaput limang taong gulang.

Pinakamarami sa mga apektado ay nasa edad dalawampu hanggang dalawamput siyam at karamihan ay mga lokal na kaso habang pitong bahagdan naman sa mga ito ay mga health care workers.

Nilinaw naman ni Dr. Taloma na wala pang namamatay dahil sa pagpapabakuna kontra Covid 19 sa rehiyon.

Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Nica Taloma.