--Ads--

CAUAYAN CITY- Nangako si DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na tutulungan ng Department of Agriculture ang National Food Authority (NFA) upang makabili ng mas maraming palay mula sa mga magsasaka.

Inihayag ito ng kalihim sa kanyang pagbisita sa Roxas, Isabela, kanina, upang personal na alamin ang mga problemang kinahaharap ng mga farmers sa pagbebenta ng kanilang ani.

Ayon kay DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., aniya, maraming idinulog sakanya ang mga magsasaka pangunahin na ang hirap sa pagbebenta dahil sa limitadong budget ng NFA at sa kakulangan ng espasyo sa mga bodega.

Sa susunod na harvest season ay asahan na aniya ang mas maraming palay na mabibili ng NFA dahil inaayos na ang mga warehouse at tataas pa ang procurement fund ng NFA mula sa 9 Billion pesos kada cropping season ay gagawin na itong 20 Billion pesos.

--Ads--

Bagaman mayroon pang natirang 2 Million pesos sa pondo ng NFA sa nakalipas na cropping season, isa naman sa naging problema ay ang kulang na espasyo ng warehouse kaya nagkakaroon ng stop buying.

Aminado naman ang kalihim na isa sa dahilan ng mabagal na produksyon ng palay ay dahil sa napakaraming buffer stock sa mga warehouse kaya kahit taasan ang pondo kung walang sapat na espasyo sa warehouse ay hindi rin makakapag benta ng aning palay ang mga magsasaka.

Tinitiyak ng ahensya na mapapabilis na ang rolling ng mga palay upang maibili lahat ang 20Billion na budget ng NFA.

Bukod sa pagtaas ng pondo, ipinangako pa ng kalihim na magbibigay ng karagdagang sasakyan ang DA para may magamit ang mga magsasaka sa pagbenta ng kanilang ani.