--Ads--

CAUAYAN CITY – Welcome Development para sa Public Order and Safety Division o POSD ang kahilingang itaas o dagdagan ang ipapatupad na speed limit sa Lunsod kasabay ng pagpapatupad ng No Contact Apprehension Program o NCAP.

Ayon sa  POSD,  nanatili pa rin ang pagpapatupad ng NCAP  matapos na amyendahan ang ilang nilalaman ng ordinansa at  ipapatupad ang speed limits na muling itatakda ng mga kinauukulan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni  POSD Chief Pilarito Mallillin na dapat ay pahalagahan ng mga motorista ang ibinigay na limang pagkakataon o limang warning sa mga mahuhuling lalabag sa NCAP.

Una na ring inihyag ng POSD na ibabalik ang binayarang penalty ng mga motoristang unang nabigyan ng notice of Violation sa unang linggo ng pagpapatupad ng NCAP.

--Ads--

Aniya hiniling na nila na madagdagan ang 60 kilometer per hour na  speed limit sa NCAP kaya magiging case to case basis na ang pagpapatakbo ng mabilis subalit kailangan pa ring maging maingat ang mga motorista sa pagmamaneho malapit sa mga ospital at paaralan.

Kailangan ring maging maingat ang mga motorista sa pagmamaneho lalo na kung gabi upang maiwasan ang mga aksidente sa lansangan dahil karamihan sa mga naitatalang aksidente ay nagagnap sa gabi.

Bukas naman ang POSD sa pagbibigay ng orientation sa mga motoristang mabibigyan ng kanilang 1st warning upang maiwasan na masundan ang naitala nilang violation.