Matapos ang unang araw ng ensayo ng Gilas Pilipinas para sa ikalawang window ng FIBA World Cup 2027 Asian Qualifiers, inanunsyo ni head coach Tim Cone na hindi makakalaro ang dalawang batang big men na sina Kai Sotto at Quentin Millora-Brown.
Si Kai Sotto, na galing sa matagal na pahinga matapos mapunit ang kanyang ACL sa Japan B.League, ay nakabalik na at nakapaglaro ng pitong laro para sa Koshigaya Alphas at may average na 11.3 puntos, 8.9 rebounds, 2.9 assists at 1.3 blocks kada laro.
Si Quentin Millora-Brown, na bagong miyembro ng Chiba Jets, ay nakapaglaro ng walong laro at may average na 2.5 puntos at 2.6 rebounds sa loob ng 14 minuto kada laro.
Makakaharap ng Gilas Pilipinas sa February 26 ang New Zealand, sa March 1 ay kuponan ng Australia na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena.
Kasama sa lineup sina sina Chris Newsome, Troy Rosario, Juan Gomez De Liano, RJ Abarrientos, Calvin Oftana, Justin Brownlee, June Mar Fajardo, at CJ Perez.











