Sunod-sunod na ang pakilig nina Kaila Estrada at Daniel Padilla sa social media dahil sa kaliwa’t kanan na paparazzi shot sa kanilang dalawa habang magkasama.
Matapos ngang maispatan sina Kaila Estrada at Daniel Padilla na papasok sa isang establishment, kumalat na ang iba pa nilang mga photo.
Makikita si Kaila na pumipili ng damit habang nakabantay lang si Daniel.
Nasundan pa ito ng isang shot, na kumakain ang dalawa at nasa akto si Daniel na pinagsisilbihan si Kaila, o tila binibigyan ng pagkain sa plato.
Mababasa sa mga comments na aprubado ng mga netizen ang pagkakaroon ng lovelife ni Daniel ngayon.
Siyempre, hindi maiiwasan na maikumpara si Kathryn Bernardo kay Daniel.
Hanggang ngayon raw kasi ay super-tago pa rin raw ang aktres sa kanila ng kanyang rumored dyowa na si Laguna Mayor Alcala.





