--Ads--

CAUAYAN CITY- Umabot na sa kalahating milyon na Overseas Filipino Workers ang nag-aplay sa cash assistance na ayuda ng Department of Labor & Employment o DOLE sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Labor Sec. Silvestre Bello III, sinabi niya na ang kalahating milyon na ito ay patunay lamang na maraming OFWs ang apektado ng COVID-19.

Sa kalahating milyon na nag-aplay ay 273,000 pa lamang ang kuwalipikado.

Gayunman ay 140,000 pa lamang ang nabigyan ng tulong na may 1.4 bilyong piso na pondo.

--Ads--

Ayon kay Sec. Bello, noong una ay 1.5 bilyong piso ang ibinigay na pondo ng pamahalaan para sa kanila subalit dinagdagan ng isang bilyong piso.

Maliban naman sa pinansyal na tulong ay nagbibigay din sila ng food and medical assistance.

Tinig ni Labor Sec. Silvestre Bello III

Ayon pa kay kalihim Bello, asahan pa ang apatnapu’t apat na libong OFWs na uuwi sa bansa matapos na mawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng mga negosyo.