--Ads--

CAUAYAN CITY – Huwag sayangin ang pagod, hirap at buhay na inialay ng mga sundalo at mga  ninuno para makamit ang tinatamasa ngayong kalayaan.

Ang araw ng Kagitingan ay bahagi ng ating kasaysayan na dapat pangalagaan at huwag papayagan na maulit  ang pananakop ng mga dayuhan sa ating bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Provincial Tourism Officer Troy Alexander Miano, local historian na ginugunita sa araw na ito ang Pagbagsak ng  Bataan sa kamay ng mga Hapon na nagbunga ng pagsuko ng 76,000 na sundalong Pilipino at Amerikano noong ikalawang digmaangpPandaigdig.

Pagkatapos nito ay naganap ang kalunus-lunos na Death March mula sa Mariveles, Bataan patungong Camp O’Donell sa Capas, Tarlac.

--Ads--

Ayo kay Dr. Miano,   posibleng maulit ang ganitong pangyayari kung hindi maging mapagmatyag, kung hindi hindi ipagpatuloy ang magiging makabayan  at kung hindi pipiliing mabuti ang mga lider.

Ginugunita ito upang imulat sa kasalukuyang henerasyon ang mga taong nagbuwis ng buhay para makamit ang tinatamasang kalayaan.

Binigyang-diin ni Dr. Miano na hindi dapat makalimutan ang kanilang alaala kaya sa bayan ng Cabatuan at ilan pang bayan sa Isabela ay tumulong siya sa pagsaliklik sa mga beterano noong ikalawang digmaang pandaigdig.

Napansin niya na hindi intact ang record kaya siya ay nahirapan.

Ang pangalan ng maraming beterano sa mga  bayan sa Isabela ay nakuha nila sa Veterans Federation of the Philippines (VFP).

May mga beterano na hindi nagpalista sa VFP dahil ang katwiran nila ay ayaw nilang makakuha ng benepisyo mula sa Estados Unidos dahil walang kapalit ang kanilang nai-ambag sa bayan bilang mga bayani sa nasabing panahon.

Ayon kay Dr. Miano, mahalaga ang pagpili ng mga mamamayan ng tamang lider sa pamahalaang pambansa na titiyak  na hindi mababawasan pa ang mga teritoryo ng bansa  o hindi magbibigay ng pagkakataon sa ibang bansa na sakupin ang Pilipinas.

Mahalaga aniya na patuloy na ipakita ng mga mamamayan lalo na ang mga kabataan na ang pagmamahal sa bayan maliit man ang ating bansa ay mapapangalagaan ang kasarinlan laban sa mga dayuhang mananakop.

Binanggit niya ang Ukraine na patuloy na nakikipagsagupa sa puwersa ng Russia para maipaglaban ang kalayaan.

Ang pahayag ni Provincial Toursim Officer Troy Alexander Miano.