--Ads--

Muling binigyang diin ng Schools Division Office ng Cauayan City, na ang kaligtasan ng mga mag-aaral ang laging nilang prayoridad lalo tuwing nagkakaroon ng pagtaas sa antas ng tubig sa Alicaocao overflow bridge.

Inihayag ni Gemma Bala ang Division Information Officer ng SDO Cauayan na kung mataas ang antas ng tubig sa Alicaocao overflow bridge ay hindi nila pinipilit ang mga estudyante na pumasok.

Sakatunayan mayroon silang ipinapatupad na ADM o Alternative Delivery Mode na Eduacation in Emergency kung saan gagamit ng mga activity sheets ang mga estudyante na kanilang aaralin sa kanilang mga bahay.

Ang naturang alituntunin ay alam ng mga school heads kaya naman awtomatikong nagkakaroon ng modalities na susundin para kahit papaano ay tuloy tuloy ang flow ng pag-aaral.

--Ads--

Nakatakda rin ngayon na talakayin ang isang ordinansa ng LGU Cauayan na nagbibigay ng pahintulot sa mga mag-aaral na huwag ng pumasok oras na tumaas na ang tubig sa ilog na sakop ng Alicaocao overflow bridge.