--Ads--

CAUAYAN CITY- Isinara ang isang kalsada sa bayan ng Kayapa, Nueva Vizcaya dahil sa landslide na naitala sa lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Acting Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer King Webster Balaw-Ing, sinabi niya na dahil sa walang tigil na pag-ulan kaya’t bumigay ang lupa sa bahagi ng Kayapa Proper Provincial Road sa Oyawen Section.

Aniya dahil dito ay pansamantala muna nilang isinara ang kalsada habang nagpapatuloy ang clearing operation.

Hindi naman umano naging malaki ang problemang dulot nito dahil papunta lamang ang daan sa mga baryo at hindi na ito bahagi ng National Highway.

--Ads--

Wala naman umanong nasugatan o nasirang ari-arian sa landslide.