--Ads--

CAUAYAN CITY- Kailangan umanong mapagtanto ng mga opisyal ng pamahalaan na  mahalaga ang kalusugan at kailangan nila itong tutukan at pagtuunan ng pansin.

Ito ang pahayag ng isang Doktor matapos makatanggap ng kaunting pondo ang Kagawaran ng Kalusugan maging ang Philippine Health Insurace Corporation (PhilHealth).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Mel Lazaro, sinabi niya na maraming mga Pilipino ang nangangailangan ng maayos at abot-kayang serbisyo sa pagamutan ngunit hindi aniya ito maisasakatuparan kung kapos sa pondo ang kagawaran.

Kailangan umanong matutunan ng mga Opisyal ang magmalasakit sa taumbayan sa pamamagitan ng pagtugon sa mga pangunahin nilang kailangan.

--Ads--