--Ads--

Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Cauayan na sapat ang ginagawa nilang interbensiyon upang matiyak ang kalusugan ng mga Person Deprived of Liberty (PDL) ngayong flu season.

Ito ay kaugnay sa mga naitatalang flu sa bansa kung saan nakararanas  ng trangkaso, sipon at pag-ubo ang ilang mga indibidwal.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Deputy Warden Isagani Gayap ng BJMP Cauayan, sinabi niya na nitong nakaraang buwan ay mayroong naitalang 15 inmates na nagka-trangkaso kaya naman nag-request ang kanilang tanggapan ng mga gamot sa regional office upang matugunan ang pangangailangang medikal ng mga PDL.

Aniya, sa ngayon ay mahigpit ang kanilang ginagawang monitoring at bawat isang PDL ay may kanya-kanyang alcohol upang sila’y makapag-sanitize tuwing nagkakaroon ng kontak sa ibang mga PDL.

--Ads--

Batay sa tala ng BJMP Cauayan wala namang kaso ng anumang flu-related illness sa loob ng piitan ngunit patuloy pa rin ang ginagawa nilang intervention nang sa ganon ay walang maitalang kaso na may kaugnayan dito.